Advertisers

Advertisers

PILIPINO, TURISTA INAANYAYAHAN  NI GOV. VI  SA ALA E! FESTIVAL 2026 

0 6

Advertisers

Ni Ethel G.

Inaanyayahan ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang mga Pilipino at turista na tuklasin ang likas na ganda, masiglang ekonomiya, at ipinagmamalaking lutuin at mga pagkain ng lalawigan sa isang linggong Ala E! Festival 2026.



Bilang bahagi ng 445th Founding Anniversary ng Batangas, nagbabalik ang “Mother of All Festivals” na magsisimula sa Disyembre 1 hanggang 8 sa Batangas City.

Dating “Ala Eh”, nagpasya ang Pamahalaang Panlalawigan na alisin ang letrang “h” bilang opisyal na baybay at pangalan ng pangunahing kultural na pagdiriwang ng lalawigan. Ngunit higit sa pagbabago ng baybay, ang “ALA E” ay pagpapatibay ng tunay na wika, identidad at pamanang kultural ng bawat Batangueno, ayon sa actress-politician.



“Bangas si beautiful– our food, our culture, our heritage, and our people,” sabi ni Ate Vi. “We brought back the Ala E! Festival to give greater importance to tourism in Batangas, of course to the entire CALABARZON region.”

Kaya kahit may sakit at hindi nakadalo sa ginanap na mediacon kamakailan, nagpadala ng voice clip si Gov. Vi at nakiusap sa showbiz press na ibahagi sa lahat na ang isang linggong Ala E! Festival.



Kabilang sa mga kaganapan na aabangan sa Ala E! Festival ay: Dis. 1 (Martes)– Formal Opening at Provincial Trade Fair & Food Fest sa Plaza Mabini, tampok ang mga lokal na produkto, likhang-kamay, at pagkaing Batangueno mula sa iba’t ibang bayan at MSMEs.

Dis. 2 (Miyerkoles)– Stronger Together (Wellness Day) tampok ang makasaysayang Unity Walk, 5:00 AM, mula Kapitolyo/SM Batangas patungong City Hall na lalahukan ng mga kawani ng lalawigan at lungsod, na susundan ng mass Zumba session at libreng serbisyong medikal sa People’s Quadrangle.

Dis. 3 (Huwebes)– Pananampala at Pamana tampok ang Fluvial Procession ng Sto Nino ng Batangas sa Ilog Calumpang, susundan ng Parade of Cultural Icons, at 7:00 PM na Misa sa Basilica.

Dis. 4 (Biyernes)– Kabataan, Sining at Pribadong Sektor tampok ang iba’t ibang aktibidad sa SM City Batangas, kabilang ang Car Meet at Battle of the Bands.

Dis. 5 (Sabado)– Sining, Moda at Musika tampok ang Habing Ibaan Fashion Show, na susundan ng Voices, Songs, and Rhythms (VSR) Battle of the Champions sa Batangas City Hall main stage.

Dis. 7 (Lunes)– Kalikasan at Komunidad, na pagsusulong sa pangangalaga ng Ilog Calumpang sa pamamagitan ng “Isang Ilog, Isang Probinsya: Magkakatuwang Tayo” One-Act Play Competition sa Batangas City Convention Center, 9:00 AM.

Dis. 8 (Martes)– Kulminasyon ng Ika-445 Foundation Day o pagtatapos ng pagdiriwang sa makulay na Street Dance Competition mula Kapitolyo patungong Plaza Mabini, 6:00 AM at Court Dance Competition sa Batangas City Coliseum, 10:00 AM.

Sabi ni Gov. Vi at mga opisyal ng lalawigan at lungsod ng Batangas: “All Here. So Near”… Kaya tara na at makisaya sa Ala E! Festival 2026!