Advertisers

Advertisers

LOOK BACK MAY HAPLOS SA PUSO

0 11

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Ipinakita ng pelikulang Look Back na ang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang magkaibigan ay maaaring maging walang hangganan.

Isang Japanese coming-of-age film na hango sa isang manga novel, humahaplos sa puso ang pagkakahimay-himay ng kuwento ng pelikula na pinagbibidahan nina



Deguchi Natsuki, Makita Aju, Nanase Furi, at Okada Rokka.

Inilahad ng pelikula na ang tunay at wagas na samahan ay wala sa edad; na maaaring magsimula sa murang kaisipan, hanggang umabot sa katapusan ng pag-ikot ng mundo.



Naitawid ng pelikula ang mensahe ng kabuuan at kahalagahan ng isang pagkakaibigan, na hindi sakop lamang ng pag-ibig ang mag-asawa, magkapamilya o magkasintahan.

Sa panulat at direksyon ni Koreeda Hirokazu, maging ang visuals ng Look Back ay makapigil-hininga na tila dinala ka sa mga tago at magagandang lugar sa bansang Japan.



Mula ito sa K2 Pictures at ni-release ng CreaZion Studios International.

Palabas ito ngayon exclusively sa SM cinemas.

Sikat sa Japan, at maging sa ibang parte ng mundo tulad dito sa Pilipinas, ang manga novel na Look Back kaya naman marami ang tagasubaybay nito hanggang sa pagkakasalin ng nobela sa pelikula.

Umaani ng malalakas na palakpakan at tilian ang mga eksena sa pelikula.

Impresibo ang production design at cinematography ng proyekto at may brilyo ang pag-arte ng mga artistang gumanap na dalawang babaeng pangunahing karakter sa kuwento.