Advertisers

Advertisers

ATE VI, ALA E! FESTIVAL GINAWANG PAMANA SA BATANGAS

0 78

Advertisers

Ni Beth Gelena

Nakakapanghinayang na hindi nakaharap sa amin si Batangas Governor Vilma Santos-Recto para sa mediacon nang pagpapahayag para sa kanyang proyekto nung unang maupo siya bilang Ina ng Batangas.

May sakit kasi ang Star For All Seasons, pero nagbigay naman siya nang mensahe na kahit hirap na hirap sa pagsasalita at halos wala nang boses ay very warmth niyang winelcome ang PMPC tanda na rin nang kanyang pasasalamat nang maging Best Actress Hall of Fame sa nakaraang 49th PMPC Star Awards For Movies last October 25, 2026.



Anyway, naroroon naman ang mga mababait na staff ni Gov na siyang nag-estima sa grupo on behalf of Ate VI.

Ang pag-imbita sa amin ni Ate VI ay hindi lang pasasalamat para sa grupo kundi ipaalam na muli nilang iseselebreyt ang taunang selebrasyon, ang Ala E! festival, ang magsisilbing tulay para mas makilala ang lalawigan, makahikayat ng mga turista at makapagbukas ng mas maraming oportunidad sa negosyo.



Ito ang mas malawak na layunin sa likod ng pagbuhay sa Ala E! Festival, na gaganapin mula Disyembre 1 hanggang 8 ngayong taon bilang bahagi ng ika-445 anibersaryo ng pagkakatatag ng Batangas.

Nagsimula ang festival noong panahon ng unang panunungkulan ni Ate Vi bilang gobernador. Ngunit nang hindi na siya nakaupo sa puwesto, natigil din ang naturang pagdiriwang.



Ngayong siya na muli ang Ina ng lalawigan, hindi lamang basta pagbabalik ng festival ang nais niyang mangyari.

Hangad din niyangg maging taunang tradisyon ito na magpapatuloy kahit matapos ang kanyang termino.

Sa napag-usapang bagong sistema, mabibigyan din ng pagkakataon ang mga lokal na pamahalaan na boluntaryong mag-host ng festival sa mga susunod na taon, upang maging bahagi ang iba’t ibang bayan at lungsod ng Batangas sa pagpapatuloy nito.

Malaki ang inaasahang maitutulong ng Ala E! sa turismo at ekonomiya ng lalawigan.

Sa pamamagitan ng pagpapakilala sa magagandang destinasyon, kultura, pagkain at mga produktong Batangueño, nais nitong makahikayat hindi lamang ng mga lokal at dayuhang turista kundi maging ng mga investor na makakita ng potensiyal na magnegosyo sa Batangas.

Hindi naman mahirap makita ang atraksyon ng lalawigan. Taglay nito ang mga kilalang beach destination, diving sites, makasaysayang pook, masasarap na pagkain at mga produktong maipagmamalaki sa buong bansa.

Kapag dumami ang mga bisita, maaari ring makinabang ang mga hotel, resort, restaurant, transport services, souvenir shops at maliliit na negosyante.

Samantala, mas pinalawak din ang mga aktibidad ngayong taon. Bukod sa street dance at court dance competitions, magkakaroon din ng Battle of the Bands at singing competition.

Isa sa pangalang nabanggit na magiging hurado sa singing contest ay si Angeline Quinto

Sa ganitong direksiyon, hindi lamang kasiyahan ang gustong idulot ng Ala E! Festival.

Mas malaki ang pangarap na maiwan nito: isang taunang tradisyon na magpapakilala sa Batangas, magpapalakas sa turismo at magbibigay ng oportunidad sa mga Batangueño kahit sino pa ang susunod na mamuno sa lalawigan.

Isa sa legacy ni Ate Vi ang Ala E! Festival na if ever na hindi na siya ang nakaupo bilang Ina ng Batangas may maiiwan siya sa mga puso ng kanyang constituents na maipagmamalaki ng mga Batangueño.

Hindi lang festival ang proyekto ni Ate Vi. Ginagamit itong plataporma para ipakilala ang Batangas bilang destinasyon ng turismo at pamumuhunan, habang tinitiyak na magpapatuloy ang tradisyon kahit wala na siya sa kapitolyo.

Ang theme ng Ala E! ay “All Here. So Near! “