Advertisers
Ni Anne Venancio
Mas masaya at kumportable na ang aktres at dating Smokey Mountain singer na si Geneva Cruz matapos ipatanggal ang kanyang breast implants sa edad na 50.
Sa kanyang Instagram post noong Nobyembre 6, ibinahagi ni Geneva ang kanyang journey matapos sumailalim sa explant surgery o pagtanggal ng breast implants halos dalawa’t kalahating buwan na ang nakalilipas.
Ayon sa aktres, matagal na niyang pinag-isipan ang desisyong ito at naramdaman niyang tamang panahon na para ipatanggal ang implants.
“I felt now was the right time!” ani Geneva.
Mas maliit man ang kanyang dibdib ngayon, mas gusto niya ang natural na resulta nito.