Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
LABAS na sa market ang debut single ng very promising singer na si Jerome Evardome, ito ay pinamagatang “Pusong Bakal” at mula sa komposisyon ng award-winning composer na si Maestro Vehnee Saturno.
Ang launching ng kanyang single ay ginanap sa Music Box kamakailan at nagsilbing host dito si Ladine Roxas-Saturno. Ito ay mula sa Vehnee Saturno Music at available na ngayon sa mga streaming platforms.
Sinabi niyang hindi pa rin siya makapaniwala na mayroon na siyang single.
Masayang pahayag ni Jerome, “Medyo, iyong utak ko, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, kasi last year lang po talaga nagstart ang career ko sa Clone. Napakabilis po ng nangyari, hindi lang po napakabilis ng mga nangyayari, at the same time ay ang daming nangyayari. Pero unti-unti, iyong katawan ko ay nasasanay na.”|
Astig ang kombinasyon ng maganda at kakaibang boses ni Jerome, plus ng magandang song na nilikha ni Vehnee na Pusong Bakal. Kaya naniniwala kami na magandang materyal ito at potential hit ang single niyang ito.
Siya ay isa sa finalists ng The Clone contest ng Eat Bulaga na ginaya niya si Elvis Presley at hindi man siya naging grand winner dito kundi si Jean Jordan Abina, malaki ang impact nito sa kanya dahil nakilala talaga nang husto rito si Jerome.
Isang minuto pa lang daw siyang kumakanta sa audition ng EB Clone, pinatigil na siya dahil pasok na agad si Jerome. Ang kinanta niya ay Can’t Help Falling in Love. Ang fave Elvis songs naman niya ay If I Can Dream at An American Trilogy.
Galing si Jerome sa pamilya ng singers. Siya ay nagsimulang kumanta sa choir ng INC sa gulang na pito. Siya ay nagkaroon din ng banda at ayon sa kanya, hindi raw siya fan ng old songs talaga. Nagsimula lang niyang gayahin si Elvis nooong pandemic, taong 2020. Dito raw nagsimulang mabuksan ang tainga niya sa old songs.
Nagpasalamat din si Jerome sa batikang composer, “To Sir Vehnee, maraming salamat po sa pagtanggap nyo sa akin. Sa musicality ko, sa talent ko, at sa pag-acknowledge na rin po ng mga kakayanan ko.”
Nabanggit naman ni Mr. Vehnee kung paano na-conceptualize ang single ni Jerome, “Actually, with the help of Mam Dette (Ignacio, admin ng fans club ni Jerome), talagang kinonceptualize namin yung song to be written for Jerome. Sabi ko, ‘Ano ba ang puwede nating gawin sa kanya? Elvis?’ But we wanted to come-up with something like a brand new song na mag-a-identify sa kanya para sa Filipino market.
“Iyon nga, ang una namin napag-usapan, of course walang hindi nakakakilala kay Victor Wood. And are you aware na Victor Wood became a superstar in Indonesia, alam nyo ba iyon? And sabi ko, nasa kanya (Jerome) yung elements na puwedeng i-embrace ng Filipino market. Kaya we were able to come up with the song Pusong Bakal.”
-30-