Advertisers

Advertisers

KARLA ESTRADA TAHIMIK SA ISYU NI MARTIN ROMUALDEZ

0 81

Advertisers

By Dominic Rea

Simulang umosbong ang kontrobersiya patungkol kay Martin Romualdez ay mukhang tahimik si Karla Estrada. Kung ating matatandaan ay tumakbo pa nga’ng 3rd nominee noon si Karla para sa partylist na Tingog! Pero hindi siya umabot sa percentage laya dalawa lang ang pinaupo mula sa kanilang kampo. Mula noon ay naging solid supporter na si Karla ng mga Romaldez at bukambibig niya ito. Pero simula nung magkaroon ng isyu sa flood control, mukhang na-tameme si Karla at iwas isyu ito! Kunsabagay, malay natin, baka naman nagpapalamig lang ang kanyang beauty at sa pagkakaalam ko ay tuloy parin naman yata ang kominikasyon niya sa mga ito! Basta ang mahalaga ay sa Ayala Alabang na si Karla Estrada at si Daniel Padilla naman ay may sariling unit na sa Rockwell! Hindi parin yata nabebenta ang bahay nila sa Quezon City ayon pa sa aking source!

AKTRES BUNTIS?

Sa bawat kumpolan, sa apat na sulok ng showbiz, pinag-uusapan ang jowa ng isang sikat na aktor. Ang tanong nila ay pare-pareho. Buntis nga ba? Buntis daw? Preggy ba si jowa ni sikat na aktor? Noong mga nakaraang buwan kasi ay visible daw talaga itong kasa-kasama ng sikat na aktor sa kung saan-saan! Pero for the past weeks o month ay tila nawawala na raw sa eksena si Ateng girl! Totoo kaya ang tsimis? Naku! Baka naman serang tsika lang ito huh!

DONBELLE MOVIE KIKITA KAYA SA TAKILYA?

Showing na nga ang pelikulang Tayo Sa Wakas ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano o DonBelle loveteam! Maraming post ang Star Cinema patungkol sa mga punong block screenings mounted by thier fans and followers. Parang anniversary offer ito ng nasabing movie outfit this year. Anyways, ang tanong, hindi naman daw kasi sa dami ng block screenings iba-base ang kikitain ng pelikula. Depende raw ito kung makikitang pinipilahan ito sa mga sinehan. Ang tanong, kikita kaya ito? Sana raw mapatunayan ng DonBelle na sila na nga ang pinakamainit na loveteam ngayon! May nakausap din akong may chemistry naman daw ang dalawa at parehong marunong umarte! Sige nga!