Advertisers
By Beth Gelena
May mga sitsit na lumalabas na magkakaroon umano ng sibakan ng mga host sa It’s Showtime.
Ang lumabas na mga pangalan ng mga host ay sina Ion Perez, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Jackie Gonzaga, Cianne Dominguez, Amy Perez at Kim Chiu.
Pinabulaanan naman ito ng isa nilang host na si Ogie Alcasid.
Aniya, wala raw siyang alam o naririnig na planong magsibak ng hosts sa It’s Showtime ang management.
Direkta niyag sabi, “Wala naman akong naririnig na ganu’n.”
Kaya sa ngayon, mukhang tsismis at speculation pa lang talaga ang umiikot na tsismis.
Pero bakit kaya may lumabas na ganyang issue?
Ang possible reasons daw na sa tingin ng netizens at entertainment observers ay sobrang dami na raw ng hosts kaya may haka-hakang magkakaroon ng “streamlining”
may budget concerns pa rin umano dahil sa matagal nang adjustments ng ABS-CBN after mawalan ng franchise.
May ilang hosts na hindi na gaanong visible araw-araw kaya iniisip ng iba na baka unti-unti nang tine-trim ang lineup.
May mga bagong projects at network negotiations na ini-link pa kay Vice Ganda kaya lalong dumami ang intriga.
Sa tono ng sagot ni Ogie, gusto niyang iparating na okay pa rin ang samahan at walang internal panic sa show.
Sinabi pa niyang “solid” pa rin ang pamilya ng Showtime kahit maraming pinagdaanang challenges ang network.