Advertisers
By Beth Gelena
Sa Fast Talk With Boy Abunda, natanong ng King of Talk si Ashley Ortega, ang current girlfriend ni Mavy Legaspi tungkol sa relasyon nina Kathryn Bernardo at Lucena Mayor Mark Alcala.
Dati kasing naging girlfriend ni Alcala ang Kapuso aktres.
Tahasan kasing tinanong ni Kuya Boy si Ashley kung ano ang nararamdaman niya tungkol sa kumakalat na tsismis kina Mark at Kathryn.
Hindi naman nadismaya si Ashley sa tanong ng host, kundi mahinahon at magalang niyang sinagot ang tanong ni Kuya Boy
Una ay idiniin niya ang paghanga kay Kathryn bilang isang kapwa aktres sa industriya.
Nagpahayag siya ng respeto para kay Kathryn at sinabing natutuwa siya para kina Mark at Kathryn. Kinumpirma ni Ashley na wala na silang komunikasyon ni Mark at hindi na sila magkaibigan simula nang magtapos ang kanilang relasyon noong 2022.
Ibinahagi rin niya na ang hiwalayan ay para sa isa’t isa at naka-move on na raw siya.
Aniya, “Syempre si Kathryn kasi, Idolize her as an actress. So parang, oh wow, ang swerte naman ni Mark nakakuha siya ng Kathryn Bernardo.”
Nilinaw din ni Ashley na wala siyang kinikimkim na negatibong damdamin at sa halip ay hangad niya ang pinakamabuti para kina Mark at Kathryn.
Nabanggit din niyang na sapat mula nang maghiwalay sila ni Mark, ay wala siyang nakikitang dahilan para magkimkim ng anumang hinanakit tungkol sa personal na buhay ng politiko dahil okey naman na raw siya lalo na ang kanyang lovelife ngayon.
“I’m just happy for them kasi it’s been years na rin and finally, nakahanap na siya ng mabuting decent girl. So I’m happy for the both of them,” set ni Ashley.
Paglilinaw pa niya, after their breakup, they did not maintain contact or continue any form of friendship.
“I don’t think we’re friends anymore kasi ever since nung nag-break kami, we never saw each other na eh..”
Kung sakali raw na muli silang pagtagpuin ni Mark, she would remain cordial.
“It was mutual and ayun lang talaga, we just never bump into each other. Siguro if dumating ‘yung time na we’re gonna bump into each other, of course I’m gonna say hi.”