Advertisers

Advertisers

Babaeng titser patay sa ambush

0 318

Advertisers

NASAWI ang isang babaeng guro nang pagbabarilin sa Sitio Berhinan, Barangay Manggalang 1, Sariaya, Quezon, Lunes ng hapon, Hunyo 28.

Kinilala ang biktima na si Marilou Gutierrez Lagaya, 48 anyos, guro ng Manggalang 1 Elementary School, at residente ng Sitio Masigasig, Bgy. Montecillo sa naturang bayan.

Sa report, 3:40 ng hapon, sakay Si Lagaya ng kanyang pinsan sa isang motorsiklo pauwi ng kanilang tahanan mula sa iskul na pinagtuturuan nang pagbabarilin.



Kaagad na nakatakas ang mga salarin sa direksyon ng Bgy. Manggalang Tulo Tulo.

Dead on the spot ang biktima nang magtamo ng maraming tama ng baril sa katawan.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng isang kalibre .45 na pistol.

Nagsagawa na ng follow up operation ang Sariaya Police Station upang matukoy ang nasa likod ng pamamaslang.

Kaugnay nito, may nakalaang pabuya na P100,000 ang lokal na pamahalaan ng Sariaya sa makapagbibigay ng impormasyon upang makilala at madakip ang mga ‘di pa nakikilalang salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">