Advertisers

Advertisers

211 pulis pinatawan ng parusa sa ‘di pagdalo sa korte

0 245

Advertisers

UMABOT sa 211 pulis ang napatawan ng parusa dahil sa hindi pagdalo sa mga pagdinig ng korte sa mga kasong may kaugnayan sa iligal na droga, batay sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), sinabi ni PNP Chief, Gen. Guillermo Eleazar, umabot na sa 211 pulis ang napatawan ng parusa sa kabiguan ng mga ito na dumalo o humarap sa korte na dahilan ng pagka-dismiss ng kaso laban sa mga naaresto mula Jan 2020 hanggang June 3, 2021

Ayon kay Eleazar, mula sa 211 pulis na napatawan ng parusa, 83 pulis ang tuluyang sinibak sa serbisyo, 31 demoted, 92 suspended at 5 reprimanded.



“Ang aming mandato bilang mga pulis ay hindi nagtatapos sa pag-aaresto ng mga nagkasala sa batas. Kasama po sa tungkulin ng ating kapulisan ang pag-attend sa mga pagdinig ng kaso lalo na kung pinatawag sila ng korte o sila mismo ang arresting officer,” pahayag ni Eleazar.

Base sa datos ng DIDM, may 1,428 kasong administrative ang naka-pending at dinidinig dahil sa hindi pagdalo sa hearing sa korte.

Inatasan ni Eleazar ang DIDM na magsumite ng report, dahilan kung bakit hindi nakakadalo ang isang pulis sa isinagawang pagdinig ng korte.(Mark Obleada)