Advertisers
NAG-RESIGNED na si Southern Luzon Command (SolCom) Commander LtGen. Antonio Parlade Jr. bilang spokesman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon kay Parlade, nagbitiw umano siya upang mabawasan ang mga pressure sa NTF-ELCAC kaugnay ng pagkuwestiyon sa kanya bilang spokesman sa kabila ng pagiging aktibo sa serbisyo sa Armed Forces of the Philippines.
“Yes, I have submitted my letter of resignation addressed to the President almost a month ago,” pahayag ni Parlade.
Nanindigan naman si Parlade na legal ang kanyang pagkakatalaga bilang spokesman ng NTF-ELCAC.
Tiniyak naman ni Parlade sa mga kritiko na hindi umano siya tumatakbo sa anumang hamon at ipagpapatuloy niya ang kampanya upang tuluyan nang mawakasan ang 52 taong paghahasik ng terorismo ng CPP-NPA.
Magugunita na umani ng mga pagbatikos si Parlade dahil sa pagiging kritisismo nito sa ilang mga organization at mambabatas sa pag-red tagging o pag-ugnay ng indibidual o grupo sa CPP-NPA.
Inirekomenda ng Senate Committee on National Defense ang pagsibak kay Parlade bilang Spokesman ng NTF-ELCAC matapos ang imbestigasyon.
Si Parlade ay nakatakdang magretiro sa serbisyo sa July 26 bilang mandatory retirement sa edad na 56.
Samantala, kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na si Philippine Army 2nd Infantry Division Commander Major General Bartolome “Bob” Bacarro ang papalit sa pwesto ni Parlade bilang Southern Luzon Command Commander matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appoitment paper nito noong June 28.
Si Bacarro ay Medal of Valor awardee at miyembro ng PMA Maringal Class of 1988. (Mark Obleada)