Advertisers
IKINAALARMA ng Malakanyang ang ulat ng World Bank na nangungulelat na ang Pilipinas sa Mathematics, Reading at Science.
Tiniyak naman ni Presidential spokesman Harry Roque na kikilos si Education Sec. Leonor Briones para mabigyan solusyon ang isyu.
Sinabi pa ni Roque, isa sa maaring gawin ng DepEd ay pag-aralan ang mga maaring gawing hakbang para mabago ang curriculums dahil sa inaasahan na pagpapatuloy ng blended learning system dahil sa pandemya.
Pahayag pa ni Roque, nabibigyan naman din ng sapat na nutrisyon ang mga mag-aaral.
Base sa inilabas na datos ng World Bank, sa 79 bansa, pang-78 ang mga Filipinong mag-aaral kapag nalalaman sa Math, Science at pagbabasa ang pag-uusapan.
Bukod dito, lumabas na isa sa bawat mag-aaral sa bansa ay hindi marunong magbasa. (Vanz Fernandez)