Advertisers

Advertisers

Constitutionalist na si Monsod haharangin pagtakbong VP ni Duterte

‘Mabababoy’ ang Konstitusyon

0 253

Advertisers

TINIYAK ni dating Comelec Chairman Christian Monsod na magsasampa ng kaso kapag itinuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtakbo bilang vice president sa 2022.

Ayon kay Monsod, handa niyang pangunahan ang pagsasampa ng kaso laban sa pagtakbo ng Pangulong Duterte bilang vice president sakaling walang umimik kapag naghain na ito ng certificate of candidacy.

Giit ni Monsod na kukuwestyunin niya ang motibo ng punong ehekutibo para tumakbong vice president dahil kitang-kita namang nais pa nitong magmando sa bansa.



Unang sinabi ni Pangulong Duterte na tila nakukumbinsi na siyang tumakbong vice president sa 2022 elections matapos ding isulong ng partido nitong PDP-Laban na kumandidato ang pangulo sa pagka-vice president. (Josephine Patricio)