Advertisers
ILOILO CITY – Patay ang 71- anyos na lola at sugatan ang 2- anyos na apo nito nang mabangga ng ambulansya sa bayan ng Cabatuan, Iloilo, Linggo ng umaga.
Idineklarang dead on arrival sa ospital si lola si Elena Muyuela; at nasa ligtas na kalagayan naman ang apo nito.
Sa report, hindi namalayan ng driver ng ambulansya na tumatawid ang mga biktima sa kalsada. Sa lakas ng pagkabangga tumilapon sa kalsada ang mag-lola.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver at hinihintay na lamang ang magiging desisyon ng pamilya ng biktima kung magsasampa ng kaso laban dito.