Advertisers

Advertisers

Covid update: 5,204 bagong kaso; 5,811 gumaling; 100 nasawi

0 215

Advertisers

UMABOT sa 5,204 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, Hulyo 12.

Samantala ay mayroon namang naitalang 5,811 na gumaling at 100 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.3% (49,128) ang aktibong kaso, 94.9% (1,402,918) na ang gumaling, at 1.76% (26,015) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 10, 2021 habang mayroong 8 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 8 labs na ito ay humigit kumulang 0.4% sa lahat ng samples na naitest at 1.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)