Advertisers

Advertisers

Duterte admin bigo maigiit ang arbitral win sa WPS – VP Leni

0 253

Advertisers

BINIGYANG-DIIN ni Vice President Leni Robredo na bigo ang Duterte administration na igiit ang The Hague ruling para sa kapakanan ng Pilipinas.

Sinabi ito ni VP Leni matapos ibasura ang claims ng China sa West Philippine Sea, na pasok sa kanilang “nine dash line.”

Ani VP Leni, walang naging hakbang ang gobyerno para ipagpalaban ang arbitral victory ng bansa sa lahat ng mga forum na maaari itong igiit.



Pinuna pa ni VP Leni ang pamahalaan sa tila pagtalikod sa alyansa na sana’y makakatulong para maprotektahan ang mga karapatan ng bansa laban sa panghihimasok ng Beijing at iba pang calimants.

Para kay VP Leni, hindi maliit na bagay ang pagbalewala sa mga mangingisdang nawalan ng kabuha-yan dahil sa pambu-bully ng malalaking barko ng China.

Giit nito, hindi mababago ng mga kasinungalingan ang tunay na laban ng bansa para sa ating soberanya. (Josephine Patricio)