Advertisers

Advertisers

“Duterte-Duterte never”… PACQUIAO-DUTERTE NALANG! – PIMENTEL

0 299

Advertisers

IMINUNGKAHI ni dating PDP-Laban President, Senador Koko Pimentel, na bakit hindi nalang isulong ng partido ang tambalang Pacquiao-Duterte sa 2022 elections?

Ayon kay Pimentel, ang nagtalaga kay Senador Manny Pacquiao para maging presidente ng ruling party matapos itong magbitiw noong Disyembre 2020, maituturing na mainam na “compromise” ang Pacquiao-Duterte tandem.

Sa ngayon, hindi pa aniya nag-uusap ang dalawang factions sa PDP Laban kaugnay sa potensiyal na compromise.



Si Pacquiao ay kasalukuyang abala sa puspusang pagsasanay para sa kanyang nakatakdang laban sa Agosto 21 kontra sa wala pang talo, mas bata at mas malaking IBF/WBC welterweight champion na si Errol Spence sa Estados Unidos.

Si Pacquiao, 42 anyos, ang itinutulak ni Pimentel na pambato ng PDP-Laban para sa pagka-pangulo sa darating na halalan.

Samantalang isinusulong naman ng faction nina Energy Secretary Alfonso Cusi ang tandem ng mag-amang Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at President Rody Duterte o kaya’y Sara-Bong Go.

Kamakailan, sinibak ng PDP-Laban Executive Council na pinamumunuan ni Pacquiao sina Cusi, Deputy Secretary General Melvin Matibag at membership committee head Astra Naik.

Pero ipinagkibit-balikat lamang nina Cusi ang pagkaalis sa kanila sa partido.



Samantala, sinabi ni Sara na hinding-hindi mangyayari ang Duterte-Duterte tandem.

Sinabi rin ni Sara na bukas na siya sa pagtakbong Presidente. Pero sa Setyembre pa siya mag-aanunsyo kung tatakbo o hindi.