Advertisers
SA Sa Game 2 si Giannis Antetokounmpo gumawa ng 42 points, 9 rebounds, 4 assists, 3 blocks at 1 steal. Sa Game 3 naman ay may 41, 13, 6, 0 at 1 na stats. Ganyan pala mainis si Giannis!
Noong Game 1 ay 20, 17 at 4 lang kanyang stats. Nag-improved din kanyang charity lane percentge mula 61% sa 2nd na laro papuntang 76% sa ikatlong laban.
Matapos ma 2-0 sila ng Suns sa Phoenix ay marami na nagsabi na si Chris Paul ang magiging MVP ng Finals pero naasar ang Greek Freak kaya nagpakita ng best player na mga bilang.
Magtuloy-tuloy kaya ang inspiradong numero ng 7-footer ng forward ng Milwaukee? Mabitbit kaya ng may suot na jersey #34 hanggang sa dulo ang Bucks? Pero kailangan niya na maganda rin ipakita ng mga kakampi lalo na ni Kris Middleton at Jrue Holiday.
Sige tingnan natin sa mga susunod na laban kung sino ba talaga?
***
Binalikan natin sa YouTube ang ika-5 na anibersaryo ng OKS@DWBL noong 2018 kung saan espesyal na bisita natin si Busy Presidente Leni Robredo, ang malinis na lingkod-bayan..
Nabanggit niya na naglalaro siya ng table tennis at football noong nasa eskwela pa siya. Pero mahina raw siya sa volleyball. Gaya ng mga anak ay swimmer din siya nguni’t hindi competitive tulad nina Aika, Tricia at Jillian.
Nang mapunta ang usapan sa basketball ay sinabi niya na Toyota ang team niya sa PBA. Nang ma-disband ang koponan ng mga Silverios ay naging fan siya ng Purefoods.
“Kontra-pelo kami ni Jesse ng team,” eka ng masipag at tapat sa tungkulin na VP.
“Yung mga anak namin dahil sa Ateneo nagsipag-aral ay mga tagahanga siyempre ng Blue Eagles,” dugtong ng lider na binago ng husto ang opisina ng Pangalawang Pangulo.
Nabanggit niya na kagagaling lang niya sa Ultra upang kamustahin ang ating mga manlalarong may kapansanan. Kasama niya ang hipag na si Dra Penny Bundoc at kanilang inalam kung paano matulungan ang ating mga pambansang para-athletes.
Naghayag din siya ng suporta sa higit na pondo para sa ating mga sports program.
“Malaking bahagi ng isang nasyon ang sports dahil nagtuturo ito ng disiplina at teamwork sa mga mamamayan bukod sa karangalan na naiuuwi ng mga kampeon na kani-kanilang mga game,” paliwanag ng biyuda ni Jesse Robredo.
Sa huling minuto ng ating programa ay nanawagan siya sa mga kababayan na may mabubuting kalooban na makiisa sa mga proyekto ng Angat Buhay at Istorya ng Pag-asa. Sinagot naman ito ng mga taong-bayan dahil ang daming nakikipag-alyansa sa kanyang tanggapan para umlalay sa mga nasa laylayan ng lipunan.
Sa mga gusto makatunghay ng episode kung saan kasali rin sina Sev Sarmenta, Willie Nep at Fr. Paolo Pirlo ay paki-check ang link na ito. https://www.youtube.com/watch?v=QnKsjY8zYz8&t=285s o itype ang OKS@DWBL Oct 1, 2018.