Advertisers
TIMBOG ang dalawang empleyado ng Porac municipal government sa Pampanga sa pagtutulak ng iligal na droga.
Kinilala ang mga naaresto na sina Jerom Mallari, administrative aide at naka detail sa office of the mayor; at Angelito Lansang, administrative aide at naka-detail sa rural health unit.
Sa ulat, naaresto ang dalawa sa ikinasang buybust operation sa Barangay Jalung, Porac, nitong Lunes. Nakuha sa mga ito ang 6 sachets ng shabu.
Samantala, nagpahayag ng pagkadismaya si Porac Mayor Jing Capil sa pagkakahuli ng dalawang empleyado ng munisipyo. Agad nitong iniutos sa kanilang rural health unit ang random drug testing sa lahat ng empleyado ng munisipyo.