Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MARAMING fans si Bela Padilla ang nagulat nang maglabasan ang mga larawan ng kanilang idolo na masayang nagliliwaliw kasama ang foreigner boypren na si Norman Ben Bay, isang Swiss-Italian na naka-base sa Zurich, Switzerland.
At lalong nagulantang ang kanyang mga tagahanga nang mapansin din nila ang walang katapusan paalamanan ni Bela at ng kanyang mga best friend dito sa Pinas. May mga puntong nasasabi na staying good na raw si Bela sa bansa ng boypren at may nagsasabi rin naman na after 5 years pa bago bumalik sa bansa ang aktres.
Pero ang higit na nakaagaw-pansin sa mga fans ni Bela ay ang isang larawan niya na may suot siyang singsing na tila engagement ring o wedding ring.
Kaya tuloy naisip ng mga supporters niya na kaya pala staying good na sa piling ng foreigner boypren si Bela dahil sa nagpakasal na sila nito.
Hindi naman pinalagpas ni Bela ang tanong ng isang fan na hindi nakatiis at tinanong si Bela hinggil sa suot niyang singsing.
“Feeling ko kinasal kana jan yung singsing napansin ko,” komento ng isang netizen.
“No it’s my own ring,” simpleng nasabi lang ni Bela.
***
JESSY MENDIOLA KUKUNIN BA O HINDI NG SIYETE?
MARAMING fans ni Jessy Mendiola ang natuwa nang makita nila ang idolo na kasama pa ang isang dating Kapamilya actor na si Xian Lim na nag-appear sa Kapuso Netowork.
Ang dalawa kasi ang kinuhang hosts ng isang malaking event ng isang online shopping service. Mas pinag-usapan si Jessy sa pagtuntong niya sa GMA7 kaysa Xian. Alam na rin naman ng karamihan na isa nang Kapuso si Xian at may proyekto na itong gagawin sa GMA 7, siya lang naman ang bagong leading man ni Jennylyn Mercado sa bagong seryeng gagawin nito after “Descendant of the Sun”.
Samantalang si Jessy naman ay biglang napatsikang magiging co-host nga ni Xian sa naturang event. Senyales na ba ito ng pagiging isang Kapuso na rin ni Jessy.
Ayon naman sa misis ni Luis Manzano, guesting lang ang naganap at kinuha lang siya ng naturang online shopping service para mag-host kasama si Xian para sa big event nito.
Hindi nga makalilipat si Jessy sa Siyete dahil may kontrata pa raw ito sa TV 5 na nagkaroon siya ng isang fitness program show at hindi rin nagtagal ay nasibak din sa ere.
Say naman ni Jessy, matagal na siyang freelancer, since 2019 pa kaya wala raw hassle kahit may guesting o pumirma siya ng kontrata sa ibang network after maging isang Kapamilya. Ang tanong, maging interesado kaya ang Siyete kay Jessy? To be or not to be a Kapuso at yan ang pakakaabangan ng kanyang mga tagahanga lalo pa nga’t matagal-tagal na rin naman siyang hindi napapanood ng mga ito sa isang teleserye o drama anthology.