Advertisers

Advertisers

Duterte-Duterte sa 2022 ayaw ni Inday Sara

0 252

Advertisers

TUTOL si Davao City Mayor Sara Duterte sa tandem nilang mag-ama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 national elections.

Ito ang kinumpirma ni Hugpong ng Pagbabago (HNP) Regional Party Secretary General Antonio del Rosario.

Aniya, sakaling magdesisyon si Pangulong Duterte na tumakbo bilang Bise Presidente ay tatakbo na lang bilang reelection Mayor si Sara dahil ayaw umano nito ang Duterte-Duterte tandem sa eleksyon.



“We already know that Mayor Sara is not agreeable to a Duterte-Duterte tandem. Once ma-finalize na ni President Digong (Rodrigo Duterte) na tatakbo siyang vice president in 2022, we are almost 100% sure that Mayor Sara will seek reelection for Davao City mayor,” ani del Rosario.

Nangako rin umano si Sara na susuportahan kung sino man ang mapiling running mate ng kanyang ama.

Bukas din si Mayor Sara sa posibilidad na tumakbo bilang Pangulo at ayon kay Del Rosario ay mahigit 50% ang tsansa nito na sumabak sa Presidential race.

Nagpahayag na rin umano ng muling pagsuporta sa HNP ang lima pang political parties na kinabibilangan ng Lakas-CMD, National Unity Party, Nacionalista Party, Pwersa ng Masa Pilipino, at People’s Reform Party. (Jonah Mallari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">