Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NASA kasagsagan ang career noon ni Kylie Padilla sa GMA-7 nang iwan niya ang showbiz in favor of being a wife to Aljur Abrenica and a mother to their two kids.
Sa ikalawang bahagi ng panayam ni Ogie Diaz kay Robin Padilla, inamin ng huli na siya ang gumiit na magpakasal ang dalawa para hindi maagrabyado ang anak.
Ngayong hiwalay na si Kylie kay Aljur, ayaw daw naman niyang magbigay ng advice sa anak tungkol sa usapin ng pag-aasawa.
Aniya, wala raw siyang kredibilidad na gawin iyon dahil failure rin daw ang marriage niya sa ina ni Kylie.
“Yun lang ang kaya ko kasi pagdating sa marriage, anong mai-advice ko eh failure din kami ng mama niya. Anong credibility ko?”, ani Robin.
Natanong naman ni Ogie kung may plano bang magbalik-showbiz si Kylie pagkatapos ng pamamahinga nito sa limelight.
Ani Robin, sinabihan daw niya ang anak na magpakaabala at bumalik sa dati nitong ginagawa.
“Ako, yun ang in-advice ko sa kanya,”ani Robin. “Sabi ko, ‘Mahirap yung ganyan ang sitwasyon ng puso mo tapos wala kang gagawin. Dapat mag-ensayo ka, ibalik mo yung fighting ano mo kasi yan ang nakalimutan mo.’
“Kinausap ko yan, nung isang beses lang, andito kami bago mag-Father’s Day. Sabi ko lumaban ka ulit. Fighter kasi yun eh,” pahabol niya.
Dahil sa rebelasyong ito ni Robin, na-gets ng netizens ang posibilidad na pagbabalik ni Kylie sa GMA-7.
Speaking of Kylie, kahit na pinagsabihan na ni Robin ang anak at ang manugang na si Aljur Abrenica na tigilan na muna nila ang kanilang mga emote sa social media, muli na namang nagpakawala ng makahulugang cryptic post ang aktres sa kanyang Instagram account.
“Mental health impacts how you mother. The reverse is also true, motherhood impacts your mental health,” caption niya.
Si Kylie ay lumipat na ng bahay kasama ang kanyang mga anak na sina Alas at Axl after her separation with hubby samantalang si Aljur ay bumalik sa bahay ng mga magulang nito sa Batangas.
Nagkasundo naman sila sa kanilang set up ng co-parenting para sa kapakanan ng kanilang mga anak.