Advertisers

Advertisers

OCTA: NCR dapat parin manatili sa GCQ hanggang sa Hulyo 31

0 329

Advertisers

IMINUNGKAHI ng OCTA Research Group na manatili pa rin ang Metro Manila sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) hanggang sa Hulyo 31, bunsod na rin ng nananatiling banta ng Delta COVID-19 variant.

Sa isang televised press briefing, sinabi ni Dr. Ranjit Rye na maaari namang magluwag sa pagbubukas ng mga business establishment ngunit dapat pa rin aniyang mapanatili ang istriktong health protocols sa National Capital Region (NCR).

Dagdag pa ng eksperto, maganda na ngayon ang sitwasyon sa NCR ngunit kailangan pa rin aniyang mapanatili ang ganitong kondisyon, habang pinaiigting pa ang tuluy-tuloy na pagbabakuna sa mga residente laban sa COVID-19.



Sinabi pa ni Rye na sa ngayon ay hindi pa handa ang Metro Manila na maisailalim sa mas maluwag na modified general community quarantine (MGCQ) dahil kailangan pa ng pamahalaan na palakasin ang monitoring at pagpapatupad ng minimum public health standards.

Nagpaalala rin naman si Rye sa mga mamamayan na huwag maging kampante at patuloy pa ring maging maingat at tumalima sa mga health protocols laban sa COVID-19 dahil nananatili ang banta ng virus.

Ang NCR ay kasalukuyan pang nasa ilalim ng GCQ with some restrictions hanggang sa Hulyo 15.

Inaasahan namang iaanunsiyo ng pamahalaan ang bagong quarantine classifications para sa Hulyo 16 hanggang 30 sa mga susunod na araw. (Jonah Mallari/Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">