Advertisers
NANGANGANIB na mapatalsik bilang presidente ng PDP-Laban si Senador Manny Pacquiao.
Sinabi ito ni PDP-Laban vice chairman at Energy Secretary Alfonso Cusi dahil sa character assassination o paninira ni Pacquiao kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumatayong chairman ng partido.
Ani Cusi, inaakusahan ni Pacquiao ang party chairman ng kung ano-anong paninira nang hindi naman napatutunayan.
Nakatakdang magpulong sa Hulyo 17 ang PDP-Laban kung saan inaasahang dadalo si Pangulong Duterte.
Una rito, sinabi ni Pacquiao na triple na ang korupsyon sa kasalukuyang administrasyon.
Ibinunyag ni Pacquiao ang umanoý nawawalang P10 bilyong pondo ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) pati na ang korupsyon umano sa Department of Energy (DoE) at Department of Health (DOH).