Advertisers

Advertisers

So yung mga umalis, wala? Angel may ‘konsensya’, ‘di kayang iwan ang Kapamilya Network

0 188

Advertisers

Ni JOVI LLOZA
INAMIN ni Angel Locsin sa isang panayam na talagang binagabag at hindi kaya ng konsensya na iwan o layasan ang ABS-CBN.
Matagal na rin naman kasi na naging tahanan ng award-winning actress ang Kapamilya network.
As in, hindi nga raw nito kaya na iwan na lang ng ganon ang ABS-CBN.
Kung kailan daw naghihirap at may pinagdadaanan ‘di daw dapat iwanan sa ere ayon pa sa fiancee ni Neil Arce.
May ipon pa naman daw siya at kaya pa nitong ipang suporta sa sarili at pamilya.
Kahit nawala na sa ere ang Iba Yan ni Angel ay okey lang naman daw dahil busy din ito sa pag- aayos ng kanilang kasal ng bf.
Puwede naman gumamit ng iba pang socmed platform tulad ng YouTube at naniniwala si Angel na mabibigyan pa rin ng prangkisa ang ABS-CBN.
Sa paglipat ng ibang mga kasamahan sa ibang network ayaw magkomento ni Angel, naiintindihan daw niya ang mga ito dahil kailangan din kumayod.
Basta si Angel mananatiling Kapamilya at never lilipat dahil konsensya ang kanyang kalaban.
Pangako naman ng aktres na nandiyan lang siya para sa sumuporta sa kanyang home network.
***
Ìñigo Pascual isinantabi ang pag-ibig para sa kanyang dream house
AYAW umasa ni Iñigo Pascual sa kanyang ama na si Piolo Pascual kaya naman kaliwa’t kanan ang tanggap nito ng product endorsement.
Isa sa dream ni Iñigo ay natupad na at nakabili na ito ng sarili niyang condo. Mas priority nito sa ngayon ang kanyang music career.
Kaysa nga ma-inlove ay isinantabi muna nito ang kanyang lovelife.
Madali na naman daw magka-lovelife basta stable at na-achieve na ang kanyang dreams.
Isa naman sa pangarap ni Iñigo ay makapagpagawa ng sarili nilang bahay kasama ang ina.
At ayaw naman iasa ni Iñigo sa ama ang pangarap nitong pagpapagawa ng bahay. Kaya nga raw panay tanggap nito ng project para makaipon as in, kayod marino ang peg nito.
Well, well, well…’Yun na!