Advertisers

Advertisers

DTI: Pagtaas ng bilihin nakaamba!

0 368

Advertisers

NAGBABALA si Department of Trade and Industry (DTI) Usec. Ruth Castelo sa publiko dahil sa nakaambang pagtaas sa presyo ng ilang bilihin.

Ayon kay Castelo, posible na kasing matalakay ang nakabinbing umento sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Matatandaang hindi natuloy ang price hike ng mga produkto dahil sa ipinatupad na price freeze ng pamahalaan noong mga nakaraang buwan.



Paliwanag ni Castelo, pinag-aaralan pa nila ang hirit ng mga manufacturer na dalawang porsyentong umento sa presyo ng mga prime comodities.

Tiniyak naman ng kagawaran na iniimbestigahan nila ang mga ulat na may ilang negosyanteng nagsamantalang magtaas ng presyo kahit may price freeze na ipinapatupad.