Advertisers
IPINAWALANG-SALA ng Supreme Court (SC) ang walong Philippine Navy officers na isinangkot sa pagkamatay ni Ensign Philip Andrew Pestaño habang sakay ng BRP Bacolod noong 1995.
Sa resolusyong may petsa May 14, 2021 at isinapubliko online nito lamang June 12, binaligtad ng SC First Division ang naging desisyon ng Court of Appeals (CA) noong October 11, 2013.
Ipinagpaliban din nito ang kautusan ng Office of the Ombudsman noong 2011 hinggil sa kasong administratibo laban sa walong petitioners na pinangungunahan ni retired Navy Captain Ricardo Ordoñez.
Nasangkot ang mga akusado sa kaso nang lumabas sa imbestigasyon ng Senado at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na bago namatay sa tama ng baril sa ulo ang noo’y 23-anyos na si Pestaño, kinompronta nito ang mga opisyal dahil sa nadiskubre nitong katiwalian.