Advertisers

Advertisers

Covid update: 5,676 bagong kaso; 2,670 gumaling; 162 nasawi

0 171

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 5,676 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Hulyo 16.

Samantala ay mayroon namang naitalang 2,670 na gumaling at 162 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.2% (48,480) ang aktibong kaso, 95.0% (1,421,372) na ang gumaling, at 1.77% (26,476) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 14, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 2.4% sa lahat ng samples na naitest at 0.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)