Advertisers

Advertisers

DepEd naghahanda sa posibleng face-to-face classes

0 415

Advertisers

ITINAKDA sa Setyembre 16 ng Department of Education (DepEd) ang pagsisimula ng School Year 2021 – 2022.

Ito ay matapos na aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendassyon ng DepEd hinggil sa petsa ng pagbubukas ng klase.

Magugunitang naghain si Education Secretary Leonor Briones kay Pangulong Duterte ng tatlong petsa ng pagbubukas ng klase.



Samantala, patuloy na naghahanda ang Department of Education (DepEd) sa posibilidad na gawin nang face-to-face ang pag-aaral sa nalalapit na pasukan.

Ayon ito kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio.

Pero ayon kay San Antonio, wala pang hiwalay na approval si Pangulong Duterte hinggil sa face-to-face classes.

Gayunman, kahit manatili pa rin sa blended learning system sa nalalapit na pasukan, sinabi ni San Antonio na nagkaroon na sila ng mga adjustments sa ilang concerns sa nakalipas na academic year.

Sa katunayan ay mas mataas na nga aniya ang antas ng kahaandaan ng DepEd sa ngayon. (Jonah Mallari/Vanz Fernandez/Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">