Advertisers
BINALEWALA ng national council ng PDP Laban ang resolusyon na nagpapatalsik sa partido kay Secretary Alfonso Cusi at dalawa pang miyembro.
Ito ay matapos na maghain ng mosyon si PDP Laban Vice President for External Affairs Raul Lambino na ilegal ang ginawang pagpapatalsik kina Cusi, Deputy Sec. Gen. Melvin Matibag at Membership Committee Head Astra Naik dahil hindi itonalinsunod sa Konstitusyon at prinsipyo ng partido.
Nauna rito, sinibak ni Party President Sen. Manny Pacquiao sina Cusi dahil sa paglabag sa kanilang Konstitusyon na nagbabawal na sumuporta sa ibang partido.
Samantala, naglabas rin ng manifesto ang mga miyembro ng partido sa House of Representatives na sumusuporta kina Cusi at ito ay nilagdaan ng 29 na mambabatas.
Giit pa ni Cusi, ilegal ang pagpapatalsik sa kanila dahil wala umanong kapangyarihan si Pacquiao na gawin ito at sa halip ay yanging national council lang ang maaring magpatalsil sa isang miyembro. (Jonah Mallari)