Advertisers
INIHIRIT ni Senator Manny Pacquiao sa kanyang inihaing resolusyon na imbestigahan sa Senado ang distribusyon ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Partikular na tinukoy ng senador sa kanyang Senate Resolution No. 779 ang pagkuha ng DSWD sa serbisyo ng Starpay, na isang hindi kilalang electronic money issuer (EMI), para sa pamamahagi ng P14 bilyon sa 1.8 milyong benepisaryo ng programa.
Ang bilang ng benepisaryo ay ang dapat na tatanggap ng second tranche ng ayuda.
Nakasaad din sa naturang resolusyon na 500,000 benepisaryo lang ang nakagamit ng Starpay app at ang 1.3 milyon ay pinagdududahan na nakatanggap ng ayuda.
Bagama’t sa datos na ibinigay ng DSWD naibigay na sa lahat ng benepisaryo ang pondo kaya’t nais ni Pacquiao na maimbestigahan kung may kutsabahan sa pagitan ng kagawaran at Starpay sa pamamahagi ng tulong pinansiyal.