Advertisers

Advertisers

NDF MARKADO NA BILANG TERORISTA

0 205

Advertisers

SINASABING dapat ay noon pa, ikinasaya parin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pagkakatalaga ng National Democratic Front (NDF) bilang organisasyon ng mga terorista na iginawad ng Anti-Terrorism Council (ATC) na pinatunayang may kaugnayan ito sa Communist Terrorist Groups (CTGs) na Communist Party of the Philippines New People’s Army (CPP-NPA).

Sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng NTF-ELCAC, sinabi ni National Security Adviser Sec. Hermogenes Esperon Jr. na ang pagbabansag bilang teroristang organisasyon sa NDF kasama ang CPP-NPA ay matagal na dapat naisagawa.

“Matagal na silang pumoporma diyan na legal. Ngunit sa katotohanan, ay sila naman ang talagang nagpoprotekta sa nagiging source ng recruitments (to the NPA and armed struggle). Kaya makikita natin kung paano yung relasyon ng NDF sa CPP at saka NPA,” ani Esperon. “Balikan natin yung video ni Jose Maria Sison noong April 23 sa Anniversary ng NDF, di ba sinabi niya doon kung sino ang kanilang affiliated organizations—18 underground mass organizations na nagpapatakbo ng mga front organizations. Iyon ang koneksyon!”



Ipinaliwanag pa ni Esperon na ang CPP ang nagbuo sa NDF noong 1973, at ang mga opisyal nito ay mga miyembro din ng CPP, o kaya naman ay mga miyembro din Central Committee at tama lamang na tawagin din organisasyon ng mga terorista.

Dagdag pa ni Esperon, mismong si Jose Maria Sison ang nagpaalam nito na kasama nila ang NDF sa pagpaplanong ibagsak ang pamahalaan gaya ng mga organisayong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Kilusang Mayo Uno (KMU), Alliance of Concerned Teachers (ACT), at GABRIELA.

Sa pagkakatalaga ng ATC na isa ng teroristang organisasyon ang NDF, maaari nang gawin ng pamahalaan ang pagpi-freeze ng mga assets sa pamamagitan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), ayon naman yan kay Dir. Gen. Alex Monteagudo ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA).