Advertisers

Advertisers

Covid update: 5,479 bagong kaso; 5,573 gumaling; 93 nasawi

0 461

Advertisers

SUMIPA na sa 1,548,755 ang bilang ng mga nagpopositibo ng COVID-19 sa bansa.

Sa inilabas na case bulletin no. 498 Department of Health (DOH), nakapagtala pa ng 5,479 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Linggo, Hulyo 25.

Samantala ay mayroon namang naitalang 5,573 na gumaling at 93 na pumanaw.



Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.5% (54,262) ang aktibong kaso, 94.7% (1,467,269) na ang gumaling, at 1.76% (27,224) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 23, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.1% sa lahat ng samples na naitest at 0.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)