Advertisers

Advertisers

Drug den nabuwag sa Cotabato city

0 386

Advertisers

ISANG drug den sa Barangay Datu Balabaran, MB Tamontaka ang nabuwag ng Joint PDEA-BARMM at PNP buy bust operation sa Purok Adil, Cotabato city, Sabado ng gabi.

Kinilala ng PDEA ang mga naaresto na sina Khadafe Msansi Acoy, may-ari ng bahay at main target; Jonathan Roman Nanading alias Sakuragi, Alvin Gayun, Emran Diocolano alias Tengjo, Tammy Pedtucasan Acoy at Alex Batua Esmael alias Mandanagan, pawang nasa hustong gulang at residente ng lungsod.

Ayon kay PDEA Maguindanao Assistant Provincial Officer Agent Jing, dahil sa pakikipagtulungan ng station police at ng pamunuan ng barangay nakapasok ang kanilang undercover agent para sa isang 500- peso- drug- transaction.



Nakasamsam ang PDEA-operatives ng nasa 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000.00.

Sa report, katuwang ng PDEA sa operasyon ang pamunuan ng Brgy. Datu Balabaran MB Tamontaka, 1404th RMFB 14 PNP elements, PIU Maguindanao at Cotabato City PNP Station 3 sa ilalim ng pamumuno ni Police Cpt. Vincent John Howell Wong.