Advertisers

Advertisers

20% bilang ng gov’t employees sa NCR-ECQ iniutos ng Malakanyang

0 191

Advertisers

INATASAN ng Malakanyang ang lahat ng government agencies na panatilihin ang 20% bilang ng kanilang mga tauhan sa pagsailalim sa Enhanced Community Quarantine ( ECQ) ang National Capital Region( NCR) simula sa Agosto 6 hanggang 20.

Base sa inilabas na Memorandum Circular Number 87 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ang tanging pinapayagan na full on-site capacity ang operasyon ay ang mga ahensya ng gobyerno lamang na health at emergency frontline services, laboratory at testing services, border control at iba pang critical services.

Kaya’t pinasisigurado ng Malakanyang na kahit ECQ at limitado ang bilang ng kanilang empleyado ay tiyak na magiging maayos ang pagbibigay serbisyo sa publiko.



Isasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila simula sa Agosto 6 hangang 20. (Vanz Fernandez)