Advertisers

Advertisers

32% ng senior citizen sa Pinas fully-vaccinated na

0 412

Advertisers

SINABI ng Department of Health (DOH) na 32% na ng mga senior citizen sa bansa ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19 habang nasa 32% din ang partially vaccinated na o nakatanggap ng unang dose ng bakuna.

Sa isang televised public briefing, sinabi ni DOH Director Beverly Ho na tumaas na ang bilang ngunit patuloy pa rin silang nananawagan sa mga nakakatanda na magpaturok na sila ng bakuna upang maprotektahan laban sa virus.

Paalala pa niya, ang 60% ng mga naitatalang COVID-19-related deaths sa bansa ay mga senior citizen kaya’t mahalaga aniyang mabakunahan sila.



Samantala, sa Metro Manila naman aniya ay nasa 63% na ng mga senior citizen ang nakakumpleto na ng dalawang dose ng COVID-19 vaccines.

Nasa 68% naman ang matatandang nakatanggap na ng kanilang first dose ng bakuna. (Andi Garcia)