Advertisers

Advertisers

Bigayan ng ayuda sa Metro Manila magsisimula sa Biyernes

0 311

Advertisers

INIHAYAG ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na sisimulan na sa Biyernes, Agosto 6, ang pamamahagi ng financial assistance sa mga residente ng Metro Manila na maapektuhan ng ipapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Año, nasa 11.2 bilyong piso ang pondo na inilaan bilang ayuda na ipapamahagi sa 10.7 milyong residente.

Ipinaubaya na ng DILG sa mga local government units (LGUs) ang diskarte kung paano ipapamahagi ang cash aid at kailangan umanong matiyak na mahigpit na masusunod ang health protocols.



Dagdag pa ni Año, kailangan mabilis na matanggap ng mga beneficiaries ang ayuda upang magamit nila pambili ng pagkain sa loob ng dalawang linggo na lockdown.

Ang Metro Manila ay isasailalim muli sa ECQ simula sa Agosto 6 hanggang 20 sa ikatlong pagkakataon simula ng magsimula ang covid pandemic. (Jonah Mallari/Josephine Patricio)