Advertisers

Advertisers

Kahit Muslim pa… Mariel ‘di payag na magkaroon ng ibang misis si Robin

0 227

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA ikalawang bahagi ng vlog ni Mariel Padilla, nabanggit niya ang tungkol sa naging reaksyon ng publiko sa pahayag ng asawang si Robin Padilla sa naging interview nito sa YouTube channel ni Ogie Diaz kamakailan.

Sa nasabi kasing panayam ni Mama Oggs, may nasabi si Binoe na walang lalaking nakatatanggi sa tukso sa mga babae sa panahon ngayon.



Si Robin din kasi ang nagbuking noon na hiwalay na ang anak na si Kylie at ang asawa nitong si Aljur Abrenica.

Paniwala rin niyang may third party na involved sa hiwalayan ng dalawa.

Nilinaw naman ni  Robin na ang sinasabi niyang tukso ay hindi kagaya ng iniisip ng karamihan dahil aniya, marami raw ang klase at lebel ng temptasyon.

Hirit pa niya, kahit tumingin pa lang daw ang isang tao ay maituturing na natukso na siya.

Ayon naman kay Mariel, kahit tanggap pa sa Islam ang pagkakaroon ng higit sa isang asawa, hindi siya papayag na mangyari sa kanya iyon sa kaso ni Robin.



Ani Mariel, hindi siya papayag na maging asawa pa rin ni Robin kapag nagkaroon ito ng iba pang asawa.

Kahit simula pa lang daw ng kanilang pagsasama ay nilinaw na niya ito sa mister.

Sa pahayag naman ni Robin na pinayuhan nito si Kylie na pag-Muslimin na lang si Aljur, nilinaw niya na malamang ay na-misunderstood siya sa kanyang pahayag.

Nilinaw niyang hindi niya sinasabing kapag Muslim ay marami nang asawa at ang kanyang ibig sabihin umano ay tungkol sa pagyakap sa doktrina ng mga Muslim.

Tungkol naman sa naging isyu na nabuntis niya si Mocha, dinedma na lang ito ng dating action star.