Advertisers
Ni WALLY PERALTA
HULYO pa nang umalis ng bansa si Bela Padilla papuntang Europa at doon ay nagkita sila ng boypren na si Norman Ben Bay. At para maging updated ang kanyang followers ay naging aktibo siya sa social media accounts na pino-post niya ang latest na ginagawa sa Europa kasama ang boypren.
Dahil dito ay pumutok ang balitang kaya nagtungo ng ibang bansa si Bela ay para mag-asawa o pakasal na sa foreigner boypren.
“First of all, I think I should address what I’m doing here kasi, I got so many questions like they asked if I’ll get married or if I got engaged. And I saw so many articles that I left showbiz for Norman and that’s all not true. I’m not engaged. The ring you see me wearing on Instagram is my own ring. I bought it myself. I’m not engaged and I’m not also gonna get married anytime soon,” pahayag ni Bela.
Pure vacation lang talaga ang sadya ni Bela sa ibang bansa at happy lang sa piling ng boyren. Babalik naman daw siya ng Pinas at gagawa pa ng movies. Katunayan pa nga ay may isa siyang pelikulang tinapos na siya ang bida at si Zanjoe Marudo, at si Bela rin ang direktor nito, ang ‘366’.
“I’m excited and actually. I just had a conversation with my bosses at VIVA and we we’re trying to figure out when to air ‘366’ and it feels like we will have a cinematic release early next year,” saad pa rin ni Bela.
***
ISANG malaking hamon para sa acting karir ni Rayver Cruz ang bagong papel na ginagampanan sa serye nila nina Glaiza de Castro at Claire Castro, ang “Nagbabagang Luha”.
Sa naturang TV adaptation na mapapanood sa GMA Afternoon Prime ay bibigyang-buhay ni Rayver ang karakter na naunang gampanan ni Gabby Concepcion sa pelikula bilang si Alex, ang lalaking magpapa-ibig sa magkapatid na sina Maita (Glaiza de Castro) at Cielo (Claire Castro).
Sa tulong ng kanyang direktor at kasamahan sa naturang serye ay maayos naman naitatawid ni Rayver ang kanyang papel na hindi kinakabahan na maikumpara sa atake ni Gabby sa movie. Ano kaya ang paraan na ginawa ni Rayver para iwas pusoy siya sa comparison sa kanila ni Gabby?
“‘Hindi ko lang talaga pinanood ung movie kasi gusto ko rin na very raw ‘yung attack na gagawin ko. Baka po kasi magaya ko mismo na yung acting, eh mag mas fail ako. Kasi nga ayaw kong mangyari na parang ginagaya ko si Kuya Gabby pero ‘di ko naman magaya,” saad ni Rayver.
Kahit sabihin pa na iba ang atakeng ibibigay ni Rayver ay hindi maiaalis na maikumpara talaga silang dalawa lalo pa sa nakapanood ng movie version. At hindi rin maiaalis ang mga bashers.
“Siyempre, ‘di pa rin mawawala d’yan ‘yung criticisms lalo na sa mga nakapanood na ng movie na may mga masasabi pa rin. Pero, at the same time, happy pa rin kami kasi alam namin, deep inside, na napakaganda ng project na ginawa namin,” saad pa rin ni Rayver.
May payo naman binigay ang original na aktor na gumanap sa papel ni Rayver ngayon, si Gabby. Isang good luck message ang pinarating ng beteranong aktor.
“Do your own version. I know you’re gonna do good, Rayver and everybody else. Sa cast ng ‘Nagbabagang Luha’, be a version of yourself to be that role. Get out of your comfort zone and love and embrace that role. And I’m sure you’ll have a great time doing this teleserye, it’s a remake,” say ni Gabby.