Advertisers

Advertisers

Ruru Madrid takot sa dyowa!

0 4

Advertisers

By Anne Venancio

Naghatid ng katatawanan sina Ruru Madrid at Mikoy Morales sa YouLOL exclusive ng GMA comedy game show na “The People Have Spoken” matapos sagutin ang isang tanong tungkol sa relasyon.

Bilang Team RUMI, hinarap ng dalawang aktor ang tanong na: “Nasira mo ang regalo sa iyo ng jowa o asawa mo. Ano ang gagawin mo?”

Nagkatinginan muna sina Ruru at Mikoy na tila parehong iniisip ang posibleng reaksyon ng kanilang mga partner.

“Bro, wala na ‘yun. Mahirap. Siguro, magtatago na lang ako,” pabirong sagot ni Ruru.

Samantala, sinabi naman ni Mikoy na bibili na lamang siya ng kapalit na regalo.

“Ako, siguro bibili ng bago. Para… puwede pa. Para hindi mahalata,” ani Mikoy.

Agad naman niyang nilinaw na biro lamang ang kanyang sagot.

“Hindi sa ginagawa ko ‘yun ha. Kung mangyari lang,” dagdag niya.