Advertisers
By Anne Venancio
Kung pag-ibig ang pag-uusapan, alin nga ba talaga ang mas dapat sundin—utak o puso? Ito ang nakakaaliw ngunit makahulugang tanong na hinarap ng mga celebrity guests at ng People sa pinakabagong episode ng GMA comedy game show na “The People Have Spoken.”
Sa Team ANARRA nina Analyn Barro at Arra San Agustin, malinaw ang kanilang sagot—utak. Ayon kay Analyn, “Mind over matter. Kaya namang kontrolin ng utak ang puso.” Agad namang sinagot ni Heart Evangelista ng pabirong, “Kaya ba talaga?” na ikinatawa ng lahat sa studio.
Samantala, puso naman ang pinili ng Team RUMI nina Ruru Madrid at Mikoy Morales. Para kay Ruru, hindi maaaring diktahan ang damdamin. “Hindi natin kayang turuan ang ating mga puso,” aniya.
Mapapanood ang “The People Have Spoken” tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA.