Advertisers

Advertisers

Paano na ngayon ang 18 ‘maleta boys’?

0 6

Advertisers

PINAKAKASUHAN na ng Departmet of Justice ang 18 mga dating security, na kilala sa tawag na “maleta boys”, ng puganteng dating kinatawan ng Ako Bicol partylist na si Zaldy Co.
Ang masaklap nito sa iba’t-ibang korte sa Metro at labas ng Metro Manila nakakalat ang mga isasampang kaso laban sa kanila, mayroon pa nga sa Palawan (‘yung isinampa ni      Congressman Jose Alvarez).
Natataranta tuloy ang abogado ng maleta boys, si Levi Baligod, na kasama rin sa mga kinasuhan.
Ang isa pang malaking problema ng maleta boys ay ang pangpiyansa. Sa dami ng bilang ng Cyberlibel at Perjury na kakaharapin nila, tiyak aabutin ng daan libong piso bawat isa sa kanila ang maging piyansa.
Sa aking karanasan, ang bawat bilang ng Cyberlibel ay umaabot ng P40,000, medyo mababa ang sa Perjury.
Let’s say more or less P100K bawat isa sa 18 maleta boys ang piyansa, saan nila ito hahagilapin eh nakakulong na ang financier nilang si dating Congressman Mike Defensor. Hehehe…
Sa puntong ito, posibleng magkatotoo ang hula ni dating Senador Antonio Trillanes, na may babaliktad sa 18 maleta boys, kapag nagipit ang mga ito.
Si Trillanes ang isa sa mga nagsampa ng reklamong Cyberlibel at Perjury sa 18 maleta boys at kay Atty. Baligod.
Kung si Baligod lang, wala siyang problema sa pampiyansa. Mapera na ito eh. You know!
Oo nga pala, saan na ba ang 18 maleta boys? Never heard na sila ah. Nagtago narin ba sila tulad ni Orly Guteza?
Kung inyo pang natatandaan, si Guteza ang unang maleta boy na ex-Marines na badigard ni Zaldy Co, ang humarap sa Senate Blue Ribbon investigation noong si Senador Rodante Marcoleta ang chairman ng komite, kungsaan lumabas na may mas alam pa ang senador sa binabasang script ni Guteza. Hehehe…
Anyway, hintayin natin kung may lalabas pang maleta boys ngayong nakaselda na ang mga taong nasa likod ng gawa-gawa nilang istorya.
Subaybayan!
***
Malaking kasiraan pala sana kay dating Senador ngayo’y Executive Secretary Ralph Recto kung naisagawa iyong ope-rasyon laban sa kanya.
Palalabasin pala na kumuha si Recto ng mga babaeng bayaran at pilit pagagamitin ng droga bago sila magtalik.
Ito ang ibinunyag ng bugaw na si Lito de Guzman at mismo ng babaeng naaresto ng NBI sa operasyon sa isang hotel sa Maynila.
Si De Guzman ay bugaw ng mga high-class prostitute kabilang ang sexy stars. Nadakma siya ng NBI sa operasyon sa hotel, at ikinanta niya ang plano laban kay Recto kungsaan sangkot sina Congressman Zandro Leviste at dating Congressman Jing Paras.
Ang Recto ang mahigpit na makakalaban ng Leviste sa politika sa Batangas sa 2028.
Ayon sa NBI, iimbestigahan nila sina Leviste at Paras sa isyung ito. Abangan!