Advertisers

Advertisers

Prangka si Frankie!

0 7

Advertisers

“Si Billy Ray Bates ang best import ever. Sina Ricardo Brown at Lim Eng Beng pinakamahirap bantayan sa mga lokal.

Offensive coach ako kaya hanap kong mga manlalaro ay mga shooter.”

Yan ay ilan sa mga tinuran ni Frankie Lim nang maging espesyal na bisita namin ni Lito Cinco ang PBA legend sa OKS@DWBL nitong Lunes.

Itinuturing niyang pambirang reinforcement ang Black Superman.

Sobrang husay ayon sa produkto ng San Beda.

” Hinahakbangan nga ako kaya panis ako.

Si Brown daw ay magaling talaga bumuslo ng bola habang si Lim EB ay master sa foul-baiting sabi ni Frankie na sa Yco – Tanduay unang naging kasapi sa pro league.

Si Mon Fernandez naman daw ang No. 1 na Pinoy na sentro.

Para sa huling naglaro sa San Miguel Beer ay pinakamahalaga ang scoring sa isang basketbolista.

“Pero siyempre tuturuan ko rin sila ng decent defense” eka ng champion mentor ng Red Lions.

Abangan ang ikalalawang bahagi ng ating panayam sa susunod na pitak.

***

Mabuti naman at mismong si PBBM ang nagsabi na dapat ay hindi ipasa sa taong-bayan ang systems loss ng isang utility na kumpanya.

Noong isang beses ay tinalakay na natin ito dito. Kailangan tanggalin na ito sa billing ng Meralco.

Bukod dito ay isinulat din natin na huwag na lumahok sa PBA ang Bolts.

Baka kasi ang gastos sa koponan ay tayo rin mga consumer ang pumapasan.

Malaking bahagi rin ito ng total expenses ng electricity distributor.

Yung matitipid nila sa liga ay idagdag na lang nila sa pag-improve ng kanilang serbisyo.

Wala naman silang kalaban sa kanilang franchise area. Sayang lang pera.

Ganoon din sana sa Converge na may Fiber-exers na prangkisa. Bagama’t may mga katapat sila sa mer-kado ay mas maigi ilipat na lang nila ang budget sa pagpapaganda ng kanilang sistema. Bulok eh.

***

Ayon sa ilang ulat ay plano ni LeBron James sa New York manirahan kahit Philadelphia ang bago niyan team.

Marami raw taga Philly ang ayaw sa ganoon. May layong mga 150 kilometers o isang oras kalahati via sa kotse. 30 minutos kung sariling chopper. Kung itong huli gagamitin niyang sasakyan ay posibleng kalahati ng sweldo niya ay mauubos.

Nguni’t di lang pala si LBJ ang unang gagawa nito. Sina JJ Reddick at Wilt Chamberlain nang naging 76er sila ay ganito ang gawi.

Si Charles Barkley na matagal na star ng team ay dapat daw matuon ang mga tagahanga sa tagumpay kay sa kung saan ang bahay ni LeBron.

Sang-ayon si Pepeng Kirat dito.

” Ang importante ang korona, hindi kung saan siya nakatira,” eka ni Pepe.