Advertisers

Advertisers

LEVISTE, PARAS ‘SABIT’ I-SET UP SA BABAE SI SEC. RECTO

0 24

Advertisers

SABIT si dating presidential political adviser Jacinto “Jing” Paras sa planong i-set up si Executive Secretary Ralph Recto sa babae.
Si Paras ay political adviser noon ni dating Pangulo Rody Duterte
Kumanta ang isang bugaw na si Lito de Guzman na ka-sabwat niya si Paras na isa-sabit sana si Recto sa isang bayarang babae.
Si De Guzman ay handler at manager ng ilang sexy movie stars ng Vivamax Productions na pag-aari ni Vic del Rosario.
Mga malalaking negosyan-te, pulitiko at mga kilalang tao ang suki ni De Guzman.
Kamakalawa ng gabi ay naaresto ng NBI si De Guzman dahil sa pambubugaw ng ilang first-class na babaeng bayaran sa isang hotel sa Maynila.
Pero sa pagkaka-aresto sa kanya ay ikinanta niya ang pla-nong i-set up si Recto na may kasama na isang bayarang babae.
Gagawin sana nilang isyu na ‘sex scandal’ laban kay Recto.
Sa imbestigasyon ng NBI, ikinanta ni De Guzman na kasama sa plano si Paras at ang magbabayad sa babae ay si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste, anak ni Senador Loren Legarda-Leviste.
Sinasabing aabot sa P5 million ang pondo sa plano dahil gagamit sila ng ilang ilang first-class callgirls sa pag-set up kay Recto.- Mula sa post ni Ramon Tulfo