Advertisers
Inihayag ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang pagkaka-aresto sa apat na Pilipino mula Bangkok, Thailand matapos makitaan ang kanilang walong bagahe ng 41,551 grams ng suspected marijuana na nagkakahalaga ng ?62.326 milyon, sa physical examination na isinagawa sa NAIA Terminal 3 nitong July 30, 2026.
Ayon kay BOC-NAIA District Collector Atty. Yasmin Mapa, ang walong bagahe ay sinuri matapos makitaan ng kahina-hinalang laman sa isinagawang X-ray screening at K9 inspection ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Patuloy umano ang examination, kasama ang BOC, PDEA, Bureau of Immigration at iba pang law enforcement agencies.
Ani Mapa, maglalabas sila ng detalye sa oras na available na ang mga ito. (JERRY S. TAN)