Advertisers

Advertisers

ANUNSIYO NI PBBM SA ‘SYSTEM LOSS,’ MATAGAL NANG TINATRABAHO NI SEN. ERWIN

0 3

Advertisers

Bago pa man mag-anunsiyo si President Ferdinand Marcos, Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ng kautusang alisin na sa wakas ang ‘system loss’ na sinisingil ng Meralco sa consumers, matagal na itong tina-trabaho ni Senator Erwin Tulfo, na siya ring Chairman ng Senate Committee on Energy.

Matatandaan na bago mag-break and Senado ay inanunsiyo na ni Sen. Erwin na sa pagtutuloy ng sessions matapos ang SONA ay agad na magsasagawa ng pagdinig ang kanyang komite dahil plano niyang kuwestiyunin at himayin kung paano ang ginagawang kwenta sa mga bill ng Meralco consumers dahil aniya, marami na ang kunsumido sa nagaganap na mga ‘bill shocks’ o biglaang pagtaas ng bayarin sa kuryente at para amyendahan ang EPIRA.

Nitong Martes, nagharap din si Sen. Erwin ng mga panukalang batas na naglalayong alisin ang energy tax, tanggalin ang systems loss charge sa value-added tax (VAT) at imbestigahan ang kasalukuyang polisiyang nagpapasa ng dagdag-singil sa mga konsyumer.

Kasunod ng direktiba ni Pangulong Marcos, Jr., inihain ni Sen. Erwin ang Senate Resolution No. 537 – Resolusyon upang imbestigahan ang polisiya sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA) hinggil sa pagpasa ng system loss charges sa mga konsyumer; Senate Bill No. 2239 – Panukalang batas na nagpapawalang-bisa sa BP Blg. 36 o “Energy Tax Law” at Senate Bill No. 2340 – Panukalang batas na naglalayong ibukod ang system loss charge sa saklaw ng VAT.

“Actually sa opening statement ko po last week, sabi ko, ‘Bakit china-charge sa tao ang systems loss? Dapat hindi.’ Saan ka naman nakakitang negosyo, icha-charge sa customer ang kalugian. I think that’s wrong. May gray area ang batas na ito. Kailangan po nating tapalan at ayusin,” dagdag pa ng Senador.

“Ang kuryente o elektrisidad ang pangunahing nagpapatakbo sa ating mga tahanan, paaralan, ospital, mga negosyo at maging sa ating pamahalaan. Sa madaling sabi, kung walang maaasahan at abot-kayang kuryente, mahihirapang umunlad ang ating bansa. Ngunit kamakailan lamang, nag-number one po ang Pilipinas sa Southeast Asia. Hindi po sa larangan ng sports, hindi po sa larangan ng edukasyon o ekonomiya, kundi, last June, we recorded the highest electricity rates in Southeast Asia at P13 to P14 peso per kilowatt hour,” aniya.

Binigyang-diin din niya na sa bawat pagtaas ng singil sa kuryente, nababawasan ang budget ng pamilyang Pilipino para sa pagkain, pambili ng gamot at pag papa-aaral sa mga mga anak.

Batid daw niya na hindi sapat na magreklamo lamang sa mataas na singil sa kuryente kaya naman bilang mambabatas ay kikilos siya para maibsan ang paghihirap ng mga Pilipino.

“Maaaring may legal at teknikal na batayan ng system loss charge. Ngunit isang bagay ang malinaw. HINDI NAMAN PO KASALANAN NG ORDINARYONG MAMAMAYAN ANG PAGKAWALA NG KURYENTE SA LINYA…BAKIT PO SIYA ANG MAGBABAYAD NITO?”, ani Sen. Erwin.

Sa ating kasalukuyang sistema, may systems loss na, may VAT pa na binabayaran tayo.

“BINUBUWISAN PO AT KAILANGAN DAW NATING BAYARAN ANG NAWALANG KURYENTE NA HINDI NAMAN PO NATIN NAGAMIT, GINOONG PANGULO. Dobleng pasanin sa ating mga kababayan. Hanggang saan ba dapat ipasa sa consumers ang gastusing ito?,” pagbibigay-diin pa niya.

Tama ang pahayag ni Sen. Erwin na hindi luho ang kuryente, kundi pangunahing pangangailangan para sa pag-aaral, paghahanapbuhay, komunikasyon, pangangalagang pangkalusugan, at sa simpleng pamumuhay na may dangal at dignidad na bawat pamilyang Pilipino at ang bawat pisong matitipid sa electric bill ay maaaring maging dagdag sa pagkain, gamot, matrikula at emergency fund ng isang pamilya.

Ayon mismo sa mga distribution utilities, ang system loss ay isang regulated pass-through charge, kung saan humigit-kumulang 5% ng karaniwang residential bill ay napupunta rito, habang mahigit sampung porsyento naman ay napupunta sa iba’t ibangb uwis at government charges.

Aniya, kung may kapangyarihan ang gobyerno na suriin ang mga lumang polisiya at alisin ang mga hindi na makatarungang pasanin, mayroon din tayong tungkulin para ibasura ito. Tama!

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.