Advertisers

Advertisers

Sa Maynila: Krisis Pinansiyal noon, Matatag na Pananalapi ngayon

0 4

Advertisers

Eksakto, Hunyo 30, 2026, sa pagbabalik ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pamumuno, isang mabigat na hamon ang kinailangan na harapin ng kanyang pamumuno.

Krisis sa pananalapi, halos nasaid, nasimot ang kabangbayan ng lungsod, at paano gagalaw ang mga programa, ang mga proyekto at mga serbisyo kung walang sapat na salapi?

Ang buwis ng taumbayan, ito ang buhay na dugo magpapatakbo sa mabilis na pagbangon, at paglago ng kabuhayan ng isang lokal na pamahalaan.

Napakabigat na pasanin ito na kailangang isabalikat ni Mayor Isko, at dito, kailangan na katuwang niya ang City Treasuer’s Office, at salamat, mayroon isang Makisig, magaling na hepe nito – sa katauhan ni City Treasurer Paul S. Vega – na nito ngang nakaraang Lunes, siya ay nag-ulat ng mga akomplisment na tumugon sa krisis pinansiyal ng siyudad.

Sa harap ni Yorme Isko Moreno, Vice Mayor Chi Atienza, buong kapulungan ng City Council, mga puno ng mga departamento at opisina, nagbigay-pugay si Atty. Vega at nagbigay-sulit sa ginawa ng kanyang opisina upang maiahon ang pamahalaang lungsod sa krisis ng pananalapi.

Binuksan niya ang ulat nang sabihin, umaabot sa P14.59 billion ang di-nababayarang obligasyon na iniwan ng umalis na administrasyon.

Ano-ano ang mga ito, mga bayaring utang sa mga suppliers, maraming utang sa mga pribadong kompanya na kinuhanan ng mga serbisyo sa mamamayan, at marami pang obligasyon, at bukod ang kailangang pasahod at pondo upang maituloy ang pangunahing lingkod sa mamamayan – na ipinangakong pagsisilbihan, paglilingkuran nang matapat ng bagong administrasyon ni Mayor Isko Moreno.

Ang hamon na ito, sabi ni Atty. Vega ay hindi nagpahina ng kanilang loob, at ang suporta ni Mayor Moreno, at ang di-mapipingas na alalay ng City Council sa pamumuno ni VM Atienza ay nagsilbing dinamikong lakas ng City Treasurer’s Office (CTO) upang kumilos – nang tuloy-tuloy, wala nang lingon pa, kailangang lumikom ng mga pondo, upang matugunan ang problemang kinaharap ng treasury office.

Mga unang hakbang na ginawa ni Atty. Vega: Pagpapatatag ng Koleksiyon.

Pinakamalaking hamon ito upang mapatibay ang tax collection system, ito ay upang mabura ang naiwang bayarin: P12.72 billion commercial obligation, P307 million na utang sa utility, at P1.55 billion na di-nabayarang Social Amelioration Programs at mga ordinansa na kailangang maiplementa pero walang mailaang pondo sa programa.

Kumbaga, hindi burol ang kailangang patagin, mataas na bundok, kung itutulad ang mabigat na tungkulin na nakapasan sa balikat at mga bisig ng treasury office.

Kailangang palakasin ang koleksiyon.

Mga problemang hinarap: sa simula, maraming negosyo at residente ang may alinlangan sa pagbabayad ng buwis dahil sa kawalan ng tiwala sa nakaraang pamahalaan.

Sa ilalim ng pamumuno ni Atty. Vega, inuna niya ang malinis na transaksiyon sa paniningil, pagbabayad at pagkolekta ng bayarin, utang at buwis.

Sa ilalim ng bagong pamumuno, ipinatupad ng treasury office ang maayos na digitalization ng tax assessment at payment systems.

Pinairal ang bukas o lantad na transaksyon – isang transsparency measures upang makita ng publiko kung saan napupunta ang pondo.

Sa bisa ng kautusan ni Mayor Isko Moreno at sa suporta ng Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni Vice Mayor Chi Atienza, maayos na naipatupad ang incentives at amnesty programs para sa delinquent taxpayers.

Wika ni Atty. Vega, ang mga hakbang na ito ay nagbigay ng panatag na kalagayan, tiwala at kumpiyansa sa mga nagbabayad ng buwis at nagresulta sa mas mataas na koleksiyon.

At ano ang naging bunga niyon?

“I am proud to report that in just our first year, the City Government has successfully settled P7.81 billion. Equivalent to 53.5 percent of these inherited obligations,” wika ni Atty. Vega.

May balance pa –P6.78 billion, at ito, sa pangako ni Mayor Isko, unti-unti babayaran nang hindi maisasakripisyo ang serbisyo sa mamamayang Manilenyo.

At marami pang obligasyon sa utang, bayarin at serbisyo ang matagumpay na nabayaran, naipaglingkod ng bagong administasyon – at kamangha-mangha ito.

Multi-bilyon, milyon-milyong utang at obligasyon, sa loob lamang ng isang taon — unti-unting nababawasan, may naitutustos pa sa araw-araw na operasyon ng pamahalaang lungsod.

Imbes na mabawasan ang serbisyo sa mamamayan, naipagpapatuloy pa, mas napagaganda at naisasaayos!

Malinaw ang kahulugan nito: Pagbangon mula sa Krisis!

Sa ulat sa mamamayang Manilenyo, binigyang-diin ni Atty. Vega na ang pagbabalik ng tiwala ng publiko – at ang tiwalang ito ay mahalagang susi sa pagbangon.

`Mahahalagang punto na dapat na tandaan, itanim sa isip sa “mahimala” na ginawa ng treasury sa pamamatnugot ni Atty. Vega.

Ito ay nakapagtala ng tulou-tuloy na agos ng salapi – masasabing steady revenue flow – na nagbibigay kalutasan sa krisis ng pinansiya ng pamahalaang lungsod.

Sa pagtutulad, noon, said, wala nang halos laman ang banga ng bigasan, pero ngayon, may laman na, hindi man umaapaw, pero hindi nauubusan sa panahon na kailangan nang magsaing upang may maihain sa hapag kainan.

Kung sa pamilya, wala na ang takot sa pagkagutom.

Wala na ang pangamba sa katok ng maniningil ng utang pagkat may kakayahan nang magbayad, opo, ang bayaran ang obligasyong iniwan ng nakaraang administrasyon.

Mahalagang ipunto sa pagsusulit ng treasury department:

1. Nakapagbayad at may ibabayad pa sa mga naantalang obligasyon.

2. May pagpopondo sa imprastraktura at serbisyong panlipunan.

3. May kakayahan na ang cityhall na maglaan para sa mga serbisyo sa Manilenyo, sa Bata at Kabataang Maynila at sa mga sektor na higit na nangangailangan ng healthcare, edukasyon, at disaster preparedness.

Habang nagtatalumpati si Atty. Vega, makikita ang pagmamalaki ng mga punong lingkod ng Maynila sa pamumuno ni Mayor Isko Moreno.

Naipakita na ang taong itiniwala ang
tungkulin na mailigtas ang pamahalaan sa krisis sa pinansiya ay totoo ngang may kakayahang maglingkod nang maayos.

Ang krisis noon, pagbangon na ngayon ng pamahalaang lungsod sapagkat ito ay nasa mas maayos na kalagayan pinansiyal.

Regular na, tuloy-tuloy ang koleksiyon ng buwis sapagkat naibalik ang tiwala ng publiko, kaiba sa dating pamamahala na pabagu-bago.

Ngayon sa pangangasiwa ng treasury office, may sapat na pondo upang suportahan ang mga programa at proyekto ng administrasyon ni Mayor Isko Moreno.

Malinaw ang mensahe na inihayag ni Atty. Vega sa mamamayang Manilenyo: mula sa krisis, ang pamahalaang lungsod, ang mamamayang Manilenyo ay matatag na nakatatayo, at may matibay na sandigan at kakayahang maglingkod nang tapat at epektibo sa mga Manilenyo.

Isa pang dapat na tandaan, ang iniwang krisis sa pananalapi — na ipinamana ng nakaraang administrasyon ay wala na – at wala na rin ang kakulangan sa pondo.

Pinakamahalaga, ang krisis sa tiwala ay muling naibalik, at ang mamamayang Manilenyo ang ngayon ay nakikinabang sa matatag na pagbangon nito.

Naibalik na ang katatagan at transparency, at sa patuloy na pamamahala sa pinansiya, matatag ngayon ang koleksiyon ng treasury office.

Wala na ang krisis at nakikita ngayon ang matatag na pagbangon sa pamamahala ng buwis at pananalapi ng siyudad.

Marapat lamang, ang masigabong palakpakan at mainit na pagbati sa nagawang di-karaniwang akomplisment ng City Treasurer’s Office.

Kung sa pasyente, wala na ang suwero ng isinasaling dugo sa pasyente, pagkat siya ay magaling na, at handa nang sumubok muli sa hamon ng bagong buhay nang may sigla at ngiti sa bawat sandali.

Mabuhay ang treasury department, at ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamamatnugot ng Action Man, Manila Mayor Isko Moreno at kabalikat na Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni Vice Mayor Chi Atienza, kasama ang makikisig at mabibining opisyal at mga kawani ng Lungsod ng Maynila.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.