Advertisers

Advertisers

NASAAN ANG PABAHAY NI FVR?

0 35

Advertisers

MAY bago na namang kontrobersiya na inaasahan nating sasabog sa mga darating na araw, mga kabayan.

At walang kinalaman dito si Pang. BBM at kahit pa ang dating administrasyon ni Pang. Digong. Sa katunayan, mas makabubuti kay Pang. BBM na agad niyang paimbestigahan dahil malaking salapi—daang bilyones kundi man trilyong piso– ang pinag-uusapan dito.

Nalaman kasi natin na sa administrasyon ni Pang. Fidel ‘Boy Benta/Tabako’ Ramos, binalak magtayo ng ‘mass housing’ para sa higit 13,000 pamilya sa dating 244- ektarya na‘Alabang Stock Farm’ (ASF) na mas kilala natin ngayon bilang ‘Festival Mall’ sa Alabang, Muntinlupa City.

Ang ASF ay orihinal na pag-aari ng Public Estates Authority (PEA) na ngayon ay ‘Philippine Reclamation Authority’ (PRA).

Dakong 1997, sa huling taon ni “Tabako” sa Malakanyang, inatasan ang PEA/PRA at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na asikasuhin ang nasabing mass housing, katulong ang pribadong sektor, ang Filinvest Land Corporation. Natapos naman ang transaksyon sa panahon ni Pang. Erap.

Nalaman pa natin na “kakaiba” ang “kalakaran” noon sa DENR at PEA dahil halos IISA lang ang kanilang set of officers. Kumbaga, “palipat-lipat” lang sila ng posisyon sa dalawang ahensiya (at minsan nga, opisyal na ng PEA, opisyal pa rin sa DENR).

Kinumpirma sa atin ng ilang ‘oldtimers’ sa DENR na nang mapag-usapan ang ibinibidang housing project ni Tabako partikular sa mga empleyado ng DENR, kasama sila sa mga “inalok” subalit tinanggihan nila.

Dangan kasi, sa halip na sa orihinal na lokasyon, aba’y inilipat ang proyekto sa Cavite at ‘row house’ na ang iniaalok sa kanila, hindi na ‘single detached’ na masama pa (daw) ang pagkakagawa!

Kung may nangyaring ‘swap deal’ sa pagitan ng DENR noon at Filinvest kaya wala tayong makitang kahit isang bahay para sa mahihirap dyan sa dating ASF, eh hindi ba magandang maimbestigahan?

At “nangungulit” na (daw) ngayon ang DENR sa PRA na “isuko” na sa kanila ang titulo ng lupa pero ang problema, nasaan nga ang pabahay ni FVR, na orihinal na layunin ng proyekto, aber?