Advertisers

Advertisers

DoJ pinakakasuhan sina Baligod at 18 ex-bodyguards ni Zaldy Co sa Ombudsman

0 2

Advertisers

HABANG ipinagdiriwang ni Atty. Levi Baligod ang umaga sa pamamagitan ng jogging kasama ang kanyang misis, isang mabigat na dagok ang bumungad sa kanya matapos ilabas ng Department of Justice (DOJ) ang resolusyong nagrerekomenda ng pagsasampa ng cyberlibel charges laban sa kanya at sa 18 dating bodyguards ni da-ting Ako Bicol Rep. Zaldy Co.
Ibinunyag ito ni dating Senador Antonio Trillanes IV sa kanyang X account matapos niyang ibahagi ang kopya ng DOJ resolution.
“The DOJ resolution has been released, recommending that Atty. Baligod and the 18 ex-soldiers be charged in court with cyberlibel/perjury. More to come,” ani Trillanes.
Wala pang reaksyon si Baligod sa inilabas na resolu-syon. Sa halip, nag-post siya ng video ng kanyang morning jog kasama ang kanyang asawa at nilagyan ito ng caption:
“A morning walk sets the right mood and positive energy for the day.”
Pero sa kabila ng positibong mensahe, lumalala ang mga legal na problemang kinahaharap ng abogado.
Nag-ugat ang kaso sa joint affidavit ng 18 dating bodyguards ni Zaldy Co at sa press conference noong Pebrero kungsaan ipinrisinta sila ni Baligod.
Doon ay nagbitiw sila ng mabibigat na paratang laban kina Trillanes, dating National Security Adviser Eduardo Año, at iba pang perso-nalidad, kabilang ang alega-syong may mga maletang puno ng pera na ipinamigay sa utos ni Zaldy Co. Ang mga alegasyong ito ay kalaunan ding ipinakalat sa social media.
Mariing itinanggi ng mga pinangalanan ang mga akusasyon, at nagsampa ng mga reklamong cyberlibel at perjury.
Matapos ang preliminary investigation, natukoy ng DOJ na may probable cause upang irekomenda ang pagsasampa ng cyberlibel case laban kay Baligod at sa 18 dating bodyguards. Inirekomenda rin ang pagsasampa ng perjury charges laban sa 18 respondents na lumagda sa affidavit.
Ang DOJ resolution ay hindi pa hatol ng korte. Ang ibig sabihin lamang nito ay nakita ng mga piskal na may sapat na batayan upang ihain ang kaso sa hukuman, kungsaan magpapa-tuloy ang proseso ng paglilitis.
Hindi rin ito ang tanging legal na problemang kinahaharap ni Baligod.
Bukod sa cyberlibel case, hinahabol din ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si Baligod at ang kanyang asawa dahil sa mahigit P30 milyong umano’y deficiency taxes, isang hiwalay na usaping nasa proseso rin ng pagpa-patupad ng batas sa buwis.