Advertisers

Advertisers

PULIS 24-ORAS DUTY SA SONA PISAK SA TRAK!

0 2

Advertisers

NASAWI ang 33-anyos na pulis nang magulungan ng 10-wheeler truck habang sakay ng motorsiklo sa C3 Road, Barangay 22, Caloocan City, 2:00 ng madaling-araw nitong Martes, Hulyo 28.
Dead on arrival sa ospital ang biktima na pauwi na sana sa Caloocan matapos ang 24-oras na duty kaugnay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Sa CCTV footage, makikitang dumaan ang truck bago nakita ang biktima na nakahandusay sa kalsada katabi ng kaniyang natumbang motorsiklo. Papunta sa Malabon ang truck upang mag-deliver ng hollow blocks nang mangyari ang insidente.
Ayon sa driver ng truck, hindi niya napansin ang motorsiklo na nasa likuran o gilid ng kaniyang sasakyan.
“Galing po kami dyan sa may stoplight. Ngayon, pagka-green, nag-go kami. Eh nga-yon, nasa likuran pala siya, hindi ko naman alam na nasa likuran,” pahayag ng driver ng truck.
“Ngayon, tuloy-tuloy ‘yung naka-motor rito, nagulat ako, bigla nalang sumalpok sa gilid ko. Binangga yung truck sa gilid. Eh ngayon, pagka-bangga niya, natumba.”
“Nakita ko na lang po sa side mirror nung sumalpok sa gilid ko… Wala na, wala na po. Na ano na po, pagkakita ko, wala na po. Patay na po.”
“Sa mga pamilya ng namatayan, pasensya na, hindi namin kagustuhan yung nangyari. Kasi kahit anong ingat mo sa daan, eh, yung ganyan, aksidente po yan, eh.”
Samantala, sinabi ng isang delivery rider na nakasaksi sa insidente na napansin niyang pa-gewang-gewang na ang takbo ng biktima bago ang aksidente.
Ayon pa sa saksi, tinangka ng pulis na mag-overtake sa truck ngunit nawalan ng kontrol, sumayad sa gilid nito, natumba at napunta sa ilalim ng sasakyan kungsaan siya nagulungan ng mga gulong.
Paliwanag ng tiyahin ng biktima, katatapos lamang ng pulis sa 24-oras na SONA duty kaya posibleng matinding pagod at antok ang naging dahilan ng aksidente.